Thursday, August 25, 2011

Mahiwagang Hardin




Si Fudge ay 3rd year comsci student pero 21 years old na, isang mayaman, gwapo, sikat na basketball player, magaling na dancer, sikat sa school at lahat ng kahumahumaling na katangian ng lalake ay nasa kanya na pwera lang sa pagiging mayabang nya at kung magpalit ng girlfriend ay parang nag-papalit lang ng damit. Kapag nakuha na nya ang gusto nya sa isang babae ay iiwanan na lang nya ito na parang walang nangyari. Si Flourine naman ay 3rd year engineering student, isang mabait, matalino, maganda pero ubod ng baduy, president ng math at science club, magaling kumanta pero pansarili lang nya kasi sobrang mahiyain, tinuturing na geek sa school at laging pinagtritripan ng mga socialites na estudyante. Mahilig si Flourine kumanta sa garden sa campus nila, para sa kanya ang mga halaman ang kanyang mga audience at dun sya nakakahanap ng peace of mind kaya paborito nya itong lugar. Paborito din ni Fudge ang garden kasi dun ang palipasan ng kanyang kalokohan kasama ang nauuto nyang mga babae. Para kasi sa kanya safe ang lugar na yon dahil bihirang puntahan ng tao.

Nagsimula ang kwento nina Flourine at Fudge sa garden. Minsan habang kumakanta si Flourine sa garden ay narinig ito ni Fudge. Na-curious si Fudge kung sino ang babaeng kumakanta dahil mala anghel ang boses nito sa ganda. Kasama nya nung araw na yon ang bago nyang girlfriend na gagawa na naman ng kalokohan sa garden. Iniwan pansamantala ni Fudge ang kanyang girlfriend para hanapin ang babaeng may magandang boses pero naramdaman ni Flourine na may papalapit sa kanya kaya dali-dali itong umalis at hindi na naabutan ni Fudge kung sino man yun at pinagpatuloy na lang ang kanilang gagawin nung kasama nyang babae. Lagi si Flourine pinagtritripan sa school buti na lang lagi nandyan ang bestfriend nyang si Aira na handang tulungan sya. Si Aira ay isa rin sa mga ex ni Fudge na pinag-pustahan lang nilang magbabarkada pero kahit may galit si Aira kay Fudge eh mahal na mahal pa rin nya ito hanggang ngayon. Pangarap ni Flourine maging isang engineer katulad ng papa nya. Kaklase ni Flourine si Fudge sa subject na algebra kaya lang hindi nila pansin ang isa’t isa dahil hindi naman kapansin pansin si Flourine dahil sa baduy nitong pananamit at ayaw na ayaw naman ni Flourine ang mayayabang na katulad ni Fudge.

Isang doctor ang daddy ni Fudge at isang fashion designer ang kanyang mommy at kung properties ang pag-uusapan marami ang pamilya ni Fudge nun. Hindi problema ni Fudge ang pera at kung tutuusin ay hindi na nya kelangan mag-trabaho para mabuhay at wala syang pakialam kung bumagsak man dahil may pera naman syang pang-enrol, laki sya sa yaya at kulang sa aruga at pagmamahal ng magulang. Si Flourine naman ay patay na ang mama at ang papa nya ay isang Chemical Engineer na tanging nag-aalaga sa kanya. Sobrang malapit sya sa papa nya at namumuhay ng simple. Simula pagkabata ni Flourine ay honor student na ito at hindi nakaranas magsaya dahil lahat ng oras ay nakatuon sa pag-aaral.

Unang napansin ni Fudge si Flourine noong acquaintance party sa school nila. Ang tema ay fairy tale at nagbihis si Fudge na parang prinsipe at si Flourine naman ay minake-over ng kanyang bestfriend at ginawang isang napakagandang prinsesa. Marami ang nagulat sa pagbabago ni Flourine, ang iba ay natulala at nabigla na ganun pala kaganda si Flourine pati si Fudge ay natulala sa kagandahan nito. Titig na titig si Fudge kay Flourine na nakatago sa sulok dahil hindi naman sanay sa mga ganoong okasyon at maya maya ay umuwi na rin. Noong gabing yun ay ibinaling na lang ni Fudge ang kanyang pagtingin sa isang weird na babae. Lasing na lasing si Fudge ng mga oras na yon at ang tingin na nya sa weird na babae ay si Flourine. Hindi nya namalayan na may nangyari na pala sa kanila sa garden nung babae at nabigla. Gusto ng babae na panagutan sya nito pero pinagtawanan lang sya ni Fudge at iniwanan. Ang hindi alam ni Fudge ay isa pala itong diwata at sa galit nito ay isinumpa si Fudge.

Habang nag-dradrive pauwi si Fudge ay may humarang na babae sa harap nya na nag nining-ning sa puti ang damit. Nang Makita nya ang mukha ay naalala nya yun yung babae sa garden na iniwanan nya. Pinahinto sya nito at kinausap si Fudge at sinabing sa loob ng 100 days ay magiging puno ito sa garden at magiging tao lamang kapag sumapit ang alas otso ng gabi at babalik sa pagkapuno kapag alas singko ng umaga, kapag naman full moon ay buong araw na tao. Mawawala lang ang sumpa kapag nakaramdam na si Fudge ng tunay na pagmamahal at kapag nakahanap nang isang babae na mamahalin sya at handang makipagtalik at ibibigay ang pagkababae sa kanya, ngunit kailangan ang babaeng ito ay "virgin". Sabi din ng diwata na “Bibigyan kita ng kapangyarihang makita kung sino ang babaeng "virgin" at sagrado pa ang katawan, Kapag nag-nining-ning sa puti ang kwintas na bigay ko sayo ibig sabihin "virgin" at sagrado pero kapag dilaw hindi na ito "virgin"”. Inakala ni Fudge na dala lang ito ng pagkalasing nya at panaginip lang ang lahat pero pag gising nya isa na syang puno sa garden. Takot na takot si Fudge at agad humngi ng tawad sa diwata at pinangakong magbabago na sya pero huli na ang lahat. Noong araw naman na yon ang paglipat ni Flourine sa dorm ng kanilang University dahil madedestino ang kanyang papa sa America para tapusin ang mahahalagang proyekto ng kanilang kompanya. Ayos lang naman kay Flourine dahil kasama naman nya ang kanyang bestfriend sa dorm. Simula din nang araw na yon ang pagbabago ni Flourine pagdating sa pananamit dahil na rin sa bestfriend nyang si Aira. Tinuruan sya ni Aira kung ano ang dapat at hindi nya dapat suutin at dun unti unting lumitaw ang kagandahan ni Flourine at unti unting napapansin sa campus. Masaya din si Flourine na dun muna sya dahil lagi na syang makakapunta sa paborito nyang lugar, ang garden.

Nang pumunta si Flourine sa garden ay nagulat sya ng makita nyang may malaking puno na tumubo sa garden pero naisip na lang nya na isa ito sa proyekto ng mga estudyante. Kagaya ng dating ginagawa ni Flourine ay sa garden sya laging kumakanta at dun nalaman ni Fudge na kay Flourine pala ang mala anghel na boses na narinig nya dati. Napansin din nyang nag nining-ning sa puti ang kanyang kwintas. Iilan lang ang babaeng nakita nyang may ganung taglay ni Flourine, pag hindi mga panget ay mga tomboy, karamihan sa magaganda sa kanilang kampus ay puro dilaw na ang kulay. Naisip tuloy ni Fudge na si Flourine na ang makaka resolba ng kanyang problema ngunit naisip nya paano?? parang hindi naman sya karapatdapat dito. NBSB si Flourine meaning no boyfriend since birth, kung "virgin" at sagrado ang pag-uusapan ay si Flourine na yun. Siya yung tipo na maiilang makipag-usap ang mga lalake dahil sa sobrang talino nya, ayaw ng mga lalake ng ganun dahil lalo silang namumukang bobo at walang alam. Marami na ang nagtatangka manligaw ngayon kay Flourine dahil sa kanyang pagbabago at isa na rito si Brando. Alam ni Brando na wala pang nagiging boyfriend si Flourine at pag nagkataon sya ang makakauna dito. Gwapo si Brando pero walang tatalo sa kagwapuhan ni Fudge. Barkada ni Fudge si Brando at kagaya kung ano ginagawa ni Fudge sa mga nagging girlfriends nya ay ganun din si Brando pero kahit ganun ay masugid na manliligaw si Brando kay Flourine at pasasaan ba mapapapunta rin sa kanya si Flourine.

Kapag sasapit ang alas otso ay nagiging tao si Fudge pero sa garden lang sya pwede magpagala-gala dahil pagsapit ng alas singko ng umaga ay babalik sya sa pagka-puno. Sa loob ng 100 days ay ang garden ang magiging tirahan ni Fudge. Isang araw habang nagpapalipas si Flourine ng oras sa garden ay hindi nya namalayan na nakatulog pala sya dito at umabot ng alas otso ng gabi, dun nya nakita si Fudge na naging tao. Nagulat sya kasi kapag nagtratransform si Fudge ay hubo’t hubad talaga, nagsisigaw si Flourine ng “manyak, manyak” ang sabi naman ni Fudge “tumahimik ka, hindi ako manyak, wag ka matakot wala akong gagawin sayong masama tsaka ngayon ka lang ba nakakita ng hubo’t hubad na lalake?” napatango na lang si Flourine habang nakatakip ang kamay sa mata. “oh ayan ok na pwede ka na tumingin, may suot na kong damit”. Unti unting tumingin si Flourine at sinabing “Teka kilala kita ah, ikaw yung mayabang na basketball player at kung magpalit ng girlfriend parang napapalit lang ng damit sa bilis.” Sagot naman ni Fudge, “ganun mo talaga ako kilala?, di mo ba alam na sikat ako sa school at maraming babae ang nahuhumaling sakin, pero ikaw kilala ko, ikaw ang pambato ng school pag dating sa tagisan ng talino pero sobrang baduy pero medyo iba ka na ngayon, nagbago ka na ng konti”. Sagot naman ni Flourine “Yabang mo rin talaga noh, iba ka, hanep ka sa lakas ng hangin pero teka ngayon lang ulit kita nakita ah, ano nangyari sayo?”, sagot naman ni Fudge “ uy concern sabi ko na may gusto ka rin sakin eh”, “aba eh ang kapal mo talaga, dyan ka na nga” sabay lakad paalis ni Flourine “Teka lang Flourine”, huminto si Flourine “aba pano mo nalaman pangalan ko?” sumagot si Fudge “nabasa ko sa ID mo, uy mamaya ka naman umalis ngayon lang ulit kasi ako may nakausap, biro lang naman yun sinabi ko kanina, ganito kasi yan ahhh… isinumpa kasi ako ng isang diwata, tuwing umaga puno ako at pag gabi naman nagiging tao”. Sumagot si Flourine “pinagtritripan mo ata ako eh tingin mo sa panahon ngayon sinong maniniwala sayo ha, lasing ka lang ata itulog mo na yan ha at baka lumala pa” sumagot ulit si Fudge “sige para maniwala ka, diba wala kang nakikitang malaking puno ngayon, bukas tingan mo meron na”. “Sige na aalis na ko baka hinahanap na ko samin, ikaw tripper ka rin eh, matulog ka na lang”, “Basta bukas Flourine bumaik ka ha, good night and sweet dreams”. Kahit naman ganun ang una nilang pag-uusap eh natuwa na rin si Fudge dahil sa wakas naka-usap na nya si Flourine. Hindi akalain ni Fudge na palabiro pala si Flourine at ang cute makipagtalo lalo na pag natatakot.

Kinabukasan bumalik si Flourine sa garden ng mga ala sais ng hapon at napansin nyang may malaking puno nga, hinintay nya ang alas otso para patunayan ang sinasabi ni Fudge at laking gulat nya na pag-sapit ng alas otso biglang nag-transform ang puno sa pagiging si Fudge. Gulat na gulat si Flourine at natulala sa kanyang nakita na halos hindi makapaniwala. Ang sabi ni Fudge “oh ngayon naniniwala ka na sakin, sabi sayo totoo yun eh”, hindi pa rin makapagsalita si Flourine at mayamaya ay nahimasmasan din. Ipinaliwanag ni Fudge ang nangyari sa kanya at dun naintindihan ni Flourine ang lahat, simula noon ay lagi na silang magka-usap ni Flourine sa garden at naging magkaibigan. Nalaman ni Fudge na hindi naman pala mahirap kausapin si Flourine gaya ng iniisip nya dati, sobrang understanding nito at may sense of humor kausap, hindi rin ito maarte at napasimple lang. Dun naman nalaman ni Flourine na ayos din naman pala kausap si Fudge, dun nya nakita ang simpleng Fudge na malungkot pala sa totoong buhay kasi kulang sa pagmamahal ng magulang, at dun nya nalaman na sobra pala nitong bait at ibang iba sa pagkakilala nyang mayabang. Hindi namamalayan ni Fudge na unti-unti ng nahuhulog ang loob nya kay Flourine pero nag-dadalawang isip sya sabihin ito kasi pakiramdam nya hindi siya karapatdapat dito at hindi sya ang tipo na magugustuhan ni Flourine. Minsan tinanong ni Flourine kung ano ang paraan para maging tao ito at sinabi ni Fudge na kailangan nya makahanap ng mamahalin nya ng totoo at mamahalin din sya at handang ibigay ang pagkababae sa kanya. “Oh eh kayang kaya mo naman yun ah, tsaka ang daming babae na nagpapakamatay para sayo” sabi ni Flourine, sagot naman ni Fudge “May nakalimutan pa ko sabihin, kelangan daw eh virgin yung babae, naku sa panahon ngayon san ako hahanap nun??” sabi naman ni Flourine “Wag ka mawalan ng pag-asa, malay mo nasa tabi mo lang (pabulong na sabi ni Flourine na parang nagkakagusto na rin kay Fudge, hindi lang nya pinapahalata)” “Anu yun Flourine, may sinasabi ka ba??”, “Ha, wala wala sige uuwi na ako, bukas na lang ulit good night”. Habang naglalakad pauwi si Flourine naisip nyang iba na ang nararamdaman nya kay Fudge, parang nahuhulog na ang loob nya rito pero alam nyang mahal pa rin ito ng bestfriend nya kaya dapat pigilan nya para hindi masaktan bestfriend nya. Kahit naging ex ni Fudge si Aira ay walang nangyari sa kanila kasi trip-trip lang, pustahan lang ang nangyari sa kanila at kahit kelan hindi nagustuhan ni Fudge si Aira.

Nang umuwi si Flourine sa dorm nakita nya si Aira at kinausap nya ito. Naitanong nya rito ang tungkol kay Fudge at tinanong kung mahal pa rin ito. Sumagot naman si Aira na “Naku bestfriend wala na akong ibang mamahalin kundi si Fudge lang, ewan ko ba iba talaga ang tama ko dun, kahit pinagpustahan lang nila ako eh hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya, aba teka bat naman natanong mo si Fudge wag mo sabihin na may gusto ka rin dun??”, “ah wala, yung mayabang na yon, hindi ko yun magugustuhan kahit kelan, alam ko naman na sasaktan lang ako nun” sagot ni Flourine, “Buti na lang, tsaka bestfriend kung magmamahal ka wag si Fudge ha kasi ayoko na yun ang magiging dahilan ng pag-aaway natin”. Napaisip si Flourine sa sinabi ni Aira at iniwasan muna nya makipagkita kay Fudge dahil kapag lalo sya makipagkita kay Fudge ay lalong mapapalapit ang loob nya rito. Ilang araw naghihintay si Fudge na pumunta si Flourine sa garden pero wala pa rin, naisip nyang baka may masamang nangyari na dito. Para maka-iwas naman si Flourine kay Fudge ay sinagot nya si Brando at dun ibaling ang nararamdaman nya kay Fudge. Para matulungan nya ang bestfriend nya ay sinabi nitong sa garden naglalagi si Fudge at naisip ni Flourine na baka si Aira ang mara resolba ng problema ni Fudge dahil alam nyang virgin pa ang bestfriend nya. Pumunta nga si Aira sa garden at dun nya nakita si Fudge, sinabi nitong hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin nya ito at handa sya gawin lahat para kay Fudge. Agad nyang hinalikan si Fudge pero tinulak sya nito, hindi na si Fudge katulad ng dati na papatulan lahat ng babae na lalapit sa kanya, alam pati nya na si Aira ay bestfriend ni Flourine. Tinanong nya kung asan si Flourine at kung ano na nangyari dito, sabi naman ni Aira na busy ito sa bago nyang boyfriend.

Nagulat si Fudge sa narinig nya at sobra syang nasaktan sa sinabi ni Aira at nun lang nya naramdaman ang ganun. Kinabukasan ay full moon at buong araw syang tao, ginamit nya yun para kausapin si Flourine at dun nya nakita si Flourine na kasama si Brando. “Pare kumusta ka na?, tagal mong nawala ah, nga pala bago kong girlfriend si Flourine” sabi ni Brando. “Ah Flourine pwede ba kitang maka-usap saglit lang”, lumapit naman si Flourine “Di ba binalaan na kita tungkol kay Brando, iiwan ka rin lang nya kapag nakuha nya ang gusto nya sayo kagaya ng mga ibang mga babae ng naging girlfriend nya”, “Tumigil ka nga, kung makapagsalita ka naman akala mo napaka linis mo ah, para namang hindi ka ganun dati, wag mo itulad si Brando sayo dahil hindi sya katulad mo” sagot ni Flourine. Nasaktan si Fudge sa mga narinig nya, ok lang kung sa iba nya narinig pero hindi kay Flourine dahil kilala nya ito, hindi ganun ang pagkakakilala nya kay Flourine. “Siguro nga tama ka pero hayaan mo naman sabihin ko sayo to, Flourine sa lahat ng babae na nakilala ko ikaw lang, ikaw lang ang minahal ko ng ganito sa buong buhay ko, sana naman kahit yun man lang maramdaman mo, mahal na mahal kita Flourine”. Nagulat ang lahat sa sinabi ni Fudge dahil dun lang nila nakitang nagmahal si Fudge ng sobra at seryoso, kahit kelan wala si Fudge sineryosong babae kundi si Flourine lang.

Litong-lito si Flourine ng araw na yon, hindi nya alam ang gagawin nya at humingi sya ng tulong sa bestfriend nya. Humingi sya ng tawad at ipinagtapat nya na mahal na mahal din nya si Fudge. Naintindihan naman sya ni Aira at tanggap na nya na hindi talaga para sa kanya si Fudge. Kinausap rin ni Flourine si Brando at nakipag break na sya rito, galit na galit si Brando pero hindi nya pinahalata at nag-balak sya ng masama kay Flourine para makaganti dito. “Flourine bago tayo tuluyang maghiwalay iimbitahan sana kita sa garden, simpleng dinner date lang, pagbigyan mo sana ako, mamayang gabi mga alas syete”. May binabalak pala si Brando na halayin si Flourine dahil una pa lang yun naman talaga ang gusto nya kay Flourine.

Pumunta naman si Flourine sa garden, ang araw na din na yun ang huling araw ng sumpa kay Fudge. Walang kamalay malay si Flourine na may balak sa kanyang masama si Brando. Pagkatapos nilang kumain ay dahan dahan syang nilapitan ni Brando at tinutukan ng kutsilyo. Takot na takot si Flourine at humingi ng tulong. Malapit ng mag alas otso nun at saktong pagsapit ng alas otso biglang nag transform si Fudge sa pagiging tao. Nagulat si Brando at nagtatakbo sa takot. Habang tawa ng tawa si Fudge ay bigla naman sya niyakap ni Flourine at sinabing “Mahal na mahal kita Fudge, sorry sa mga nasabi ko sayo, akala ko kasi ang iwasan ka ang mas mabuting paraan para mapigilan ang nararamdaman ko sayo pero mali ako, lalo lang kita minahal ng sobra”.

Noong gabing yun ay ibinigay ni Flourine ay kanyang buong sarili kay Fudge, buong buo walang kulang. Biglang nagpakita kay Fudge ang diwata habang natutulog si Flourine sa tabi nya at sinabing “Binabawi ko na ang sumpa at binabalik na kita sa pagiging tao. Ipinangako naman ni Fudge na wala na syang ibang mamahalin kundi si Flourine lang. Pagkatapos nila ng college ay nagpakasal sila at nagkaroon ng apat na anak.

=WAKAS=

Saturday, October 9, 2010

From "I" to "You"


When I started writing this, I don't know what thoughts or ideas will come out of my mind then memories of you just pop out. As I remember when I first saw you, you were just a common person that I usually see and not even noticeable by anyone. We were a total stranger but later on I started saying "hi" and "hello" whenever we crosses our paths. One time I saw you smiling because of my stupid acts and innocent thoughts, at that moment I said to myself (aba marunong ka rin pala tumawa). You were a shy type person and it was my first impression of you. You were kind, simple and a deep minded person. What I liked about you is when you smile and whenever I looked at your eyes I always feel something different happening to me then asking my self (normal ba yun??). Am I falling for someone??, then I started ignoring you. I can't fall for anyone because I know it can only ruined my happy and contented life so I decided that I will only treat my opposite sex as my siblings and friends to avoid hurting and be hurt. I never imagined that someone would ever liked me. I can't even believe when you said to me that you liked me because I'm not even sexy, I'm immature and cannot make own decisions but thank you even if it is true or not. I always think that liking me is impossible and only a fantasy that can never happen in real life. I learn to control my emotions whenever I started liking someone even if it is hard because I know it can only hurt me and someone I like. I wanted to say sorry for the things I've done and said just to pushed you away from me. I'd rather be single than be found out that I have feelings for you. When I even get to know you better I don't know how long I can keep it. I'm afraid to admit that I like you because I'm scared of what will happen in the future, what if you'll also left me like others do or what if your just kidding when you said you liked me. Being your friend is my only way to be with you and accepting that I can't have someone like you. It will take a lot of courage, confidence and patience to express my emotions but mine is not enough. Stop liking you is the best way so I can act normal again and maybe can kill my feelings about you even if it is really hard. I just wanna thank you for the advices and listening to me when I needed someone to talk to. I know you're happy right now but I want you to be happier.

Thursday, October 8, 2009

Problema ng Lipunan

Bakit hindi maka-angat ang Pilipinas sa kahirapan? Bakit hanggang ngayon lugmok pa rin at hindi makaahon? May solusyon pa ba? May pagbabago pa bang magaganap?

Malayo na rin ang narating ng Pilipinas. Kung mapagmamasadan mo ang bansang sinilangan, mapapansin mong marami nang nagtataasang istruktura, mabilis na transportasyon dahil sa makabagong teknolohiya at modernisadong pamayanan na ibang-iba sa nakaraan. Ang sarap pakinggan 'di ba? Kahit paano pala ay umuunlad ang ating bansa. Bagamat kaaya-ayang pakinggan ang mga nangyayaring ito ay pilit umaalingasaw ang kabulukang tinatakbong sistema ng pinakamamahal na bansa.

Kayraming bata na nagkalat sa kalye. Nasaan na ang sektang dapat tutulong sa mga ito? Kapos ba ang pondo kaya hindi matulungan ang mga ito? Hindi kailangan ng mga batang ito ang pera na panandaliang pantawid ng gutom at kinabukasan ay wala na dahil ubos na. Ang kailangan ng mga batang ito ay kalingang minsang nawala at pinagkait na pilit hinahanap at gustong makamit. Makatitiis bang makita ang mga ito na natutulog sa sementong sapin lamang ay karton habang ang iba ay komportableng natutulog sa malambot na kama? Tok! Tok! Tok! Maari bang ang pusong bato na manhid at walang pikialam ay lumambot para sa mga ito? Sana naman ay mabuksan ang isipan sa sitwasyong ito.

itutuloy....antok na ko ih..=D

Wednesday, July 8, 2009

Project Management

Program Evaluation and Review Technique (PERT)

Program evaluation and review technique (PERT) charts depict task, duration, and dependency information. Each chart starts with an initiation node from which the first task, or tasks, originates. If multiple tasks begin at the same time, they are all started from the node or branch, or fork out from the starting point. Each task is represented by a line which states its name or other identifier, its duration, the number of people assigned to it, and in some cases the initials of the personnel assigned. The other end of the task line is terminated by another node which identifies the start of another task, or the beginning of any slack time, that is, waiting time between tasks.

Each task is connected to its successor tasks in this manner forming a network of nodes and connecting lines. The chart is complete when all final tasks come together at the completion node. When slack time exists between the end of one task and the start of another, the usual method is to draw a broken or dotted line between the end of the first task and the start of the next dependent task.

A PERT chart may have multiple parallel or interconnecting networks of tasks. If the scheduled project has milestones, checkpoints, or review points (all of which are highly recommended in any project schedule), the PERT chart will note that all tasks up to that point terminate at the review node. It should be noted at this point that the project review, approvals, user reviews, and so forth all take time. This time should never be underestimated when drawing up the project plan. It is not unusual for a review to take 1 or 2 weeks. Obtaining management and user approvals may take even longer.

Sample:

Critical Path Method (CPM)

Critical Path Method (CPM) charts are similar to PERT charts and are sometimes known as PERT/CPM. In a CPM chart, the critical path is indicated. A critical path consists that set of dependen tasks (each depedent on the preceding one) which together take the longest time to complete. Although it is not normally done, a CPM chart can define multiple, equally critical paths. Tasks which fall on the critical path should be noted in some way, so that they may be given special attention. One way is to draw critical path tasks with a double line instead of a single line.

Tasks which fall on the critical path should receive special attention by both the project manager and the personnel assigned to them. The critical path for any given method may shift as the project progresses; this can happen when tasks are completed either behind or ahead of schedule, causing other tasks which may still be onschedule to fall on the new critical path.

Sample:

GANTT Charts

A Gantt chart is a matrix which lists on the vertical axis all the tasks to be performed. Each row contains a single task identification which usually consists of a number and name. The horizontal axis is headed by columns indicating estimated task duration, skill level needed to perform the task, and the name of the person assigned to the task, followed by one column for each period in the project's duration. Each period may be expressed in hours, days, weeks, months, and other time units. In some cases it may be necessary to label the period columns as period 1, period 2, and so on.

The graphics portion of the Gantt chart consists of a horizontal bar for each task connecting the period start and period ending columns. A set of markers is usually used to indicate estimated and actual start and end. Each bar on a separate line, and the name of each person assigned to the task is on a separate line. In many cases when this type of project plan is used, a blank row is left between tasks. When the project is under way, this row is used to indicate progress, indicated by a second bar which starts in the period column when the task is actually started and continues until the task is actually completed. Comparison between estimated start and end and actual start and end should indicate project status on a task-by-task basis.

Variants of this method include a lower chart which shows personnel allocations on a person-by-person basis. For this section the vertical axis contains the number of people assigned to the project, and the columns indicating task duration are left blank, as is the column indicating person assigned. The graphics consists of the same bar notation as in the upper chart indicates that the person is working on a task. The value of this lower chart is evident when it shows slack time for the project personnel, that is, times when they are not actually working on any project.

Sample:

S - Curve

The S Curve is a well known project management tool and it consists in "a display of cumulative costs, labour hours or other quantities plotted against time".The name derives from the S-like shape of the curve, flatter at the beginning and end and steeper in the middle, because this is the way most of the projects look like.

The S curve can be considered as an indicator and it's used for many applications related to project management such as: target, baseline, cost, time etc. That's why there is a variety of S Curves such as:
-Cost versus Time S Curve;(appropriate for projects that contain labour and non-labour tasks).
-Target S Curve;(This S Curve reflects the ideal progress of the project if all tasks are completed as currently scheduled)
-Value and Percentage S Curves;(Percentage S Curves are useful for calculating the project's actual percentage complete)
-Actual S Curve;(This S Curve reflects the actual progress of the project to date)

In order to be able to generate a S Curve, A Baseline and Production Schedule are necessary because they contain important information for each task: -the Baseline - contains information about Actual Start date and finish date.
-The Baseline - can also contain information about Man Hours and costs.
-The Production Schedule contains information about the actual percentage complete.

Sample:

Work Breakdown Structure (WBS)

A complex project is made manageable by first breaking it down into individual components in a hierarchical structure, known as the work breakdown structure, or the WBS. Such a structure defines tasks that can be completed independently of other tasks, facilitating resource allocation, assignment of responsibilities, and measurement and control of the project.

Sample: