Bakit hindi maka-angat ang Pilipinas sa kahirapan? Bakit hanggang ngayon lugmok pa rin at hindi makaahon? May solusyon pa ba? May pagbabago pa bang magaganap?
Malayo na rin ang narating ng Pilipinas. Kung mapagmamasadan mo ang bansang sinilangan, mapapansin mong marami nang nagtataasang istruktura, mabilis na transportasyon dahil sa makabagong teknolohiya at modernisadong pamayanan na ibang-iba sa nakaraan. Ang sarap pakinggan 'di ba? Kahit paano pala ay umuunlad ang ating bansa. Bagamat kaaya-ayang pakinggan ang mga nangyayaring ito ay pilit umaalingasaw ang kabulukang tinatakbong sistema ng pinakamamahal na bansa.
Kayraming bata na nagkalat sa kalye. Nasaan na ang sektang dapat tutulong sa mga ito? Kapos ba ang pondo kaya hindi matulungan ang mga ito? Hindi kailangan ng mga batang ito ang pera na panandaliang pantawid ng gutom at kinabukasan ay wala na dahil ubos na. Ang kailangan ng mga batang ito ay kalingang minsang nawala at pinagkait na pilit hinahanap at gustong makamit. Makatitiis bang makita ang mga ito na natutulog sa sementong sapin lamang ay karton habang ang iba ay komportableng natutulog sa malambot na kama? Tok! Tok! Tok! Maari bang ang pusong bato na manhid at walang pikialam ay lumambot para sa mga ito? Sana naman ay mabuksan ang isipan sa sitwasyong ito.
itutuloy....antok na ko ih..=D